NSC muling iginiit ang karapatan ng Pilipinas na magpatrolya sa Scarborough Shoal

by Radyo La Verdad | November 1, 2023 (Wednesday) | 4327

METRO MANILA – Muling iginiit ni National Security Council (NSC) Adviser Eduardo Año ang karapatan ng Pilipinas na magpatrolya sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.

Ginawa ng NSC ang pahayag kasunod ng bagong akusasyon ng China hinggil sa umano’y iligal na pagpasok doon ng barko ng Pilipinas.

Ayon kay Año, pinalalala lamang at lalo pang naguudyok ng tensyon ang China laban sa Pilipinas.

Sa pahayag ng National Security Council, muling iginiit nito ang karapatan ng ating bansa na magpatrolya sa West Philippine Sea kabilang na ang Bajo De Masinloc, dahil bahagi ito ng ating Exclusive Economic Zone.

Muli namang pinagsabihan ng NSC ang China, na umakto ng tama, sundin ang nakasaad sa international law, at tigilan na ang anumang iligal na aksyon sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Tags: , , ,