NPA sinalakay ang Phil Army sa Northern Samar

by Radyo La Verdad | March 18, 2022 (Friday) | 609

Sinalakay ng New People’s Army (NPA) nitong March 5 ng gabi ang Philippine Army na nakikipag-usap sa mga residente ng CM Recto Village sa Catubig Northern Samar.

Naniniwala ang militar na grupo ni alyas “Estela” ang umatake sa kanila kahit na mayroong mga sibilyan sa paligid.

“Ang pag-atake ay nagpapakita ng isang seryosong pagwawalang-bahala sa buhay ng isang tao at isang malinaw na paglabag sa Human Rights and International Humanitarian Law,” ani Lt. Col Joemar Buban, commander of the Army’s 20th Infantry Battalion.

Ang grupo ng mga rebelde ay madalas na nakikita sa lugar na nangingikil ng pagkain at pera mula sa mga sibilyan.

Samantala, agad na tinulungan ng mga sibilyan at kapwa sundalo si Sgt. Gleen Amado na tinamaan sa leeg. Sa ngayon nasa na syang kondisyon habang ginagamot sa Northern Samar Provincial Hospital.

(Zy Cabiles | La Verdad Correspondent)