NPA safe house sa Rizal, sinalakay ng AFP at NBI, high-powered firearms nakumpiska

by Radyo La Verdad | September 27, 2018 (Thursday) | 5082

Courtesy: 2ID Philippine Army

Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng 80th Infantry Battallion ng Philippine Army at National Bureau of Investigation (NBI) ang isang coral farm sa Sitio Dalig sa Teresa, Rizal kahapon.

Pinaniniwalaan itong safe house ng matataas na lider ng New Peoples Army (NPA) sa lugar na matagal nang minamanmanan ng AFP.

Sinasabing madalas ditong mapuna sina Armando Lazarte alyas Pat/Romano, ang secretary ng NPA Sub-Regional Military Area 4a, at Tirso Alcantara alyas Bart, ang dating commander ng NPA Terrorists’ Regional Yunit Guerilla.

Walo ang naaresto kasama ang may-ari ng farm na si Ki Be E alyas Lily Ong. Nanakumpiska rin ang mga operatiba ng matataas na kalibre ng baril.

Ayon kay 202nd Infantry Brigade Commander BGen. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., ang presensya ng NPA sa Teresa, Rizal ay palatandaan lamang na may banta ng Red October movement at naghihintay lamang ng pagkakataon ang mga ito upang isagawa ang kanilang plano.

 

Tags: , ,