NPA, nagdeklara ng 12 araw na tigil putukan

by Radyo La Verdad | December 16, 2015 (Wednesday) | 1274

RESTITUTO-PADILLA
Simula a-bente tres ng Disyembre hanggang sa ika-tatlo ng Enero ng 2016 ang unilateral ceasefire na ideneklara ng New People’s Army o NPA.

Ayon sa Communist Party of the Philippines o CPP Central Committee ang ceasefire ay bilang pakiki-isa nito sa buong sambayanan sa pagdiriwang holiday season at pagpapalit ng taon gayundin sa kanilang anibersaryo sa Dec. 26 at sa isinusulong na peace nagotiations sa pamahalaan.

Sa ilalim ng unilateral ceasefire, hindi muna maglulunsad ng mga pag-atake ang mga NPA sa alinmang puwersa pamahalaan

Samantala, umaasa naman ng Armed Forces of the Philippines o AFP na tutupad ang NPA sa ideneklara nitong unilateral ceasefire.

Ayon sa AFP, may mga pagkakataon na hindi sinusunod ng mga NPA ang unilateral ceasefire.

Ayon sa AFP tradisyunal na tinutupad nito ang ceasefire lalo na sa tuwing holiday season upang bigyang pagkakataon ang mga tao na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay lalo yaong mga namumundok.

Sa kabila ng ideneklarang ceafire ng CPP-NPA, hindi pa ito inaaparubahan ng commander-in-chief ng pilipinas na si Pangulong Benigno Aquino III.
PNP laban sa mga rebelde.

(Darlene Basingan/UNTV News)

Tags: ,