ALBAY, Philippines – Dalawang anggulo ang tinitingnan ng pambansang pulisya sa nangyaring pagpaslang kay Ako Bicol Party List Representative Rodel Batocabe
Ayon kay Philippine National Police Chief Oscar Albayalde, extortion ng New Peoples Army (NPA) at pulitika ang ilan sa mga nakikitang dahilan ng PNP kung bakit pinatay ang mambabatas.
Ani ng PNP Chief, “Ito ay nagbibigay or hinihingan ng revolutionary tax o extortion. Ine-extortan ito ng mga NPA sa lugar at hindi siya nagbigay. That’s one and also hindi natin tini-take for granted or ipinasawalang-bahala ‘yung political side nito”
Kinumpirma naman ni Gen. Albayalde na inalis na sa pwesto ang chief of police ng Daraga, provincial director ng Albay at ang regional director ng Police Security and Protection Group (PSPG) dahil sa insidente.
Samantala, inaalam pa aniya ng PNP kung may kinalaman din sa pagpatay kay Batocabe ang dalawang bangkay na natagpuan sa Daraga ilang oras matapos mapaslang ang mambabatas.
Tags: Ako Bicol Party List Representative Rodel Batocabe, batocabe, PNP Chief