Muli na namang naglunsad ng missile ang North Korea kaninang madaling araw.
Ayon sa South Korean Defense Ministry, isang intermediate-range Musudan missile ang inilunsad sa east coast ng Pyongyang na sumabog makalipas lamang ang ilang minuto.
Ito na ang ikalimang pagkakataon na naglunsad ng missile ang North Korea na pawang hindi naging matagumpay.
Kaya ng Musudan missile na umabot sa layong tatlo hanggang apat na kilometro o kasing layo ng Japan o Guam.
Tags: ballistic missile, North Korea, South Korea