Muling naglunsad ng ballistic missile ang North Korea ngayong umaga.
Ayon sa US at South Korean officials, inilunsad ang missile sa east coast ng North Korea.
Aabot sa 800 kilometers ang inilipad ng missle bago bumagsak sa karagatan.
Una nang nagpalipad ng dalawang missile ang North Korea noong nakaraang linggo
Kahapon ay nagpataw ng panibagong sanction si US President Barack Obama laban sa Pyongyang dahil sa pagsasagawa nito ng nuclear test at satellite launch.
Nakalagay sa Executive Order ang pagfreeze sa lahat ng property ng North Korea sa Amerika at ang pag ban ng US exports sa komunistang bansa.