Normal Body Mass Index, mahigpit na gagamiting basehan sa pagtanggap ng Police Recruits – PNP

by Erika Endraca | August 20, 2019 (Tuesday) | 5121

MANILA, Philippines – Magiging mahigpit na requirement na bago maging ganap na miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang pagiging fit at healthy.

Ayon sa PNP, susuriing mabuti ng National Police Training Institute ang Police Recruits sa pagpapanatili ng kanilang Body Mass Index (BMI) bago tapusin ang kanilanh basic training. Ang BMI ay sukatan ng body fat base sa taas at timbang ng isang tao.

Underweight ang isang police recruit kung ang bmi nito ay mababa pa sa 18.5. Ang normal na bmi ay mula 18.5 hanggang 24.9 Pero, kapag umabot ng 25 hanggang 29.9 at 30 pataas ang bmi ng police recruit, siya ay kinukunsiderang overweight at obese. Ayon sa pnp, hindi lang dapat mentally fit kundi Physically fit ang mga pulis Dahil madalas silang babad sa initan.

“Napakahalaga na lalo’t sila nagpapatrolya ay nakahandang tumugon sa mga physical requirements katulad ng pagtugis ng mga mandurukot, mga snatcher kaya nilang habulin at gawin ang pagaresto” ani PNP Spokesperson, P/Col. Bernard Banac.

Ang BMI requirement ay parte ng physical fitness program ng PNP para paigtigin ang pagiging propesyonal ng organisasyon.

(April Cenedoza | Untv News)

Tags: