Nomination paper ni Senator Honasan bilang kalihim ng DICT, inilabas na ng Malacañang

by Radyo La Verdad | November 22, 2018 (Thursday) | 3065

Inilabas na ng Malacañang ang nomination paper ni Senator Gregorio Honasan bilang bagong kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Pirmado ito ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-20 ng Nobyembre 2018.

Ang pagkakatalaga kay Honasan ay kasabay ng pagpili ng pamahalaan sa ikatlong major telecommunications player na inaasahang bubuwag sa duopoly telco industry sa bansa.

Tags: , ,