No Swimming Zone sa Manila Bay

by Radyo La Verdad | February 6, 2019 (Wednesday) | 3927

MANILA, Philippines – Mahigpit na ipinapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kabahagi ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang “No Swimming Zone” sa Manila Bay kasunod ng panganib na banta nito sa kalusugan.

Iniutos ng Manila Bay Inter-Agency Task Force bandang alas-syete kaninang umaga na iharang ang orange barriers mula concrete breakwater ng baywalk na may layong tatlong metro.

Patuloy na nakabantay ang Philippine National Police upang makasigurado na walang magtatangkang pumunta sa pampang.

Bago pa man ang pagbabawal, ilang pamilya at indibidwal ang nasaksihan na patuloy pa rin ang paglangoy at pagligo rito sa kabila ng panganib na banta na dala ng tubig.

Samantala, nasagip naman ng mga tauhan ng MMDA ang labing isang taon na si Rhianne Soriano bago pa man ito malunod sa Manila Bay.

Patuloy pa rin ang isinasagawang obserbasyon sa biktima habang ito ay nasa Pediatric Intensive Care Unit sa ospital sa Maynila.

(Asher Cadapan, Jr. | UNTV News)

Tags: ,