NO SAIL ZONE sa Manila bay ipinatupad ng PCG ngayong araw

by Radyo La Verdad | November 13, 2015 (Friday) | 2210

MON_NO-SAIL-ZONE
Idineploy na kaninang umaga ng Philippine Coast Guard ang mga floating asset nito na magbabantay sa Manila bay para sa idaraos na APEC Summit.

Kailangan namang humingi ng pahintulot sa PCG ang mga may ari ng bangka at barko na nagnanais pumarada sa ibang lugar habang ang mga domestic at international vessel na paparada sa loob ng No Sail Zone ay e-escortan ng PCG.

Bukod dito, naka heightened alert rin ang PCG sa Pasig river upang i-check ang mga tulay at mga informal settler na nakatira malapit sa ilog.

Pitumpung floating asset na binubuo ng Philippine Coast Guard, Philippine Navy, PNP Maritime Group at Bureau of Customs.

Ang idineploy upang humuli at sumita sa mga lalabag sa No Sail Zone.

Inalerto na rin ng PCG ang mga istasyon nito sa Visayas at Mindanao upang magmasid sa anumang banta at kahinahinalang mga tao.

Ayon sa PCG, hindi naman maaapektuhan ang mga pampasaherong barko na dadaong sa pantalan sa North Harbor.

Nanawagan rin ang PCG sa lahat ng mga maapektuhang gumagamit sa pantalan gaya ng mga trader at shipper na maunawaan na ang kanilang ginagawa ay para sa seguridad ng mga delegado sa APEC Summit.(Mon Jocson/UNTV Correspondent)

Tags: , ,