“NO PERMIT, NO RALLY POLICY”, ipatutupad sa  inagurasyon ng bagong Presidente

by Radyo La Verdad | May 25, 2022 (Wednesday) | 5760

Hindi papayagan ng mga pulis ang rally at kilos-protesta sa inagurasyon ng mga nanalong Presidente at Bise Presidente ng bansa.

“ It’s either we disperse them or we will arrest the organizers at tsaka yung mga namumuno dito dahil sigurado ko yung peace and order will be affected”, ani PMGEN. Val De Leon, Director, Directorate for Operations.

Ayon kay PNP Directorate for Operations Director PMGEN. Val De Leon, kailangan muna kumuha ng permit ng anumang grupo sa lokal na pamahalaan upang makapagsagawa ng pagtitipon. Maka-aapekto kasi sa mga motorista at sa publiko kung papayagan ang mga ito lalo na kung hindi naman sa mga freedom park gagawin.

“Kung itoy isang hindi bayolenteng assembly ay ating papayagan lalong lalo na kung itoy gaganapin sa mga freedom park area, but we are govern by the rules. Ang isang pagtitipon ay bawal kapag itoy walang kaukulang permit o pag ito’y hindi ginawa sa ating freedom parks”, dagdag ni PMGEN. Val De Leon

Payo naman ni PNP Officer In Charge PLTGEN. Vicente Danao Jr. sa mga pulis na magbabantay sa seguridad, pairalin ang maximum tolerance sa pagharap sa mga magpoprotesta.

“Well ang lagi ko naman sinasabi po ay let us always exercise maximum tolerance especially in dealing with those ralliers . Alam niyo everyone has his own right to express their own grievances. Karapatan po natin lahat ‘yan pero nakikiusap ako let us do it in a proper forum,“ ani PLTGEN. Vicente Danao Jr., PNP, OIC.

Pakiusap din ni Danao sa mga ito, gawin sa tamang lugar ang pagpapahayag ng kanilang saloobin.

“Kung yung area naman ay bawal lalong lalo na ‘yung canvassing area eh talagang bubuwagin kayo diyan. So I am asking for prudence and sobriety to all those ralliers to please calm down. Sabi ko nga, a majority of the filipino people have finally spoken. So let the mandate of those who won prove their worth. Bigyan natin sila ng pagkakaton na patunayan na sila yung nararapat na mamuno sa ating bansa,” dagdag ni PLTGEN. Vicente Danao Jr., PNP, OIC.

Nauna nang sinabi ni Presumptive Vice President Sara Duterte na nais nyang isagawa ng kanyang inagurasyon sa June 19, habang June 30 naman ang inagurasyon ni presumptive President Bongbong Marcos.

Lea Ylagan | UNTV News

Tags: , ,