No mask no ride policy sa mga public transport vehicle hindi pa kailangan ayon sa DOTr

by Radyo La Verdad | December 8, 2023 (Friday) | 8944

METRO MANILA – Hindi pa kailangan ang no mask no ride policy sa mga pampublikong sasakyan ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.

Ito ay sa gitna ng issue ng walking pneumonia sa bansa. Ayon sa kalihim nasa mandato na ito Department of Health (DOH).

Pero para na rin sa kaligtasan ng mga mananakay lalo na ngayong papalapit na holiday season kung saan inaasahang dadagsa ang mga pasahero sa iba’t ibang terminal ay inihikayat ng DOTr ang publiko na boluntaryo ng magsuot ng face mask.

“Ha hindi pa naman siguro hindi pa kailangan noh siguro yung directive na yan dapat mangaling sa Department of Health not from the Department of Transportation……pero siguro for security and safety of our passengers we will encourage them to see to it that they also protect themselves.” ani DOTr Sec. Jaime Bautista.

Tags: , ,