“No-fly” at “no-sail” zones ipinatupad na

by Radyo La Verdad | November 18, 2015 (Wednesday) | 3104

NAIA
Ipinatupad na kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang “no-fly” at “no-sail” zones kaugnay ng pagsasagawa ng APEC Summit sa bansa.

Sakop ng ‘no-sail’ zone ang halos kabuuan Manila Bay habang sakop naman ng no-fly zone ang himpapawid ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at 40 nautical miles sa palibot nito.

Bawal ring magpalipad ng mga drones sa ‘no fly zone’ bilang bahagi ng security protocol kaugnay ng APEC Summit sa bansa.

Nakadeploy na rin ang mga barko at eroplano ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard at Philippine Air Force upang tiyakin ang seguridad habang isinasagawa ang APEC Summit 2015.

Maging ang mga drones ay bawal ring paliparin bilang bahagi ng security protocol.

Tags: , , , ,