Naniniwala ang Executive Director ng Institute for Political and Electoral Reform at Political Analyst na si Professor Ramon Casiple na tinatarget na ng administrasyong Duterte na maisulong ang agenda nito na federalism, ito ay sa gitna na rin ng muling paglutang ng usapin ng Charter Change at term extension ng Pangulo.
Maaga pa rin aniya upang sabihing may intensyon ang kasalukuyang administrasyon upang isulong ang term extension ni Pangulong Duterte.
Batay na rin sa target ng Kongreso, dapat maratipikahan ang inamiyendahan o nirebisang konstitusyon pagdating ng May 2019 kasabay ng inaasahang mid-term elections.
Ayon kay Casiple, hindi pa posible na magkaroon ng no elections scenario.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )