No contact apprehension policy ipatutupad na ng MMDA sa susunod na buwan

by Radyo La Verdad | February 17, 2016 (Wednesday) | 4625

No-Contact-Apprehension-Policy
Lalo pang paiigtingin ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang pagdisiplina sa mga motorista sa pamamagitan ng pagpapatupad ng no contact apprehension policy simula sa Marso

Manghuhuli ang MMDA ng mga motoristang lalabag sa mga batas trapiko gamit ang cctv camera, cellphone at iba pa.

Kailangang makunan ang aktwal na paglabag kasama na ang plate number ng sasakyan upang mabilis na matukoy kung sino ang may-ari o operator ng sasakyan

Masusubok sa polisiyang ito ang disiplina ng mga motorista kung susunod sa batas trapiko kahit na walang traffic enforcer.

Layon rin nito na mabawasan ang traffic sa mga lansangan na minsan ay dulot ng paglabagbag sa traffic regulations ng mga motorista.

sa pamamagitan rin ng No Contact Policy ay inaasahang maiiwasan ang pangongotong ng ilang mga traffic law enforcer.

Ang mga nakunan ng paglabag ng motorista ay pagaaralan muna ng MMDA at kapag malinaw ang ebidensya ng violation ay padadalan ng notice.

Kung tutol ang driver ng sasakyan ay ipatatawag upang papagpaliwanagin sa opisina ng MMDA

Kailangang magbayad ng motorista ng halaga ng multa sa banko na accredited ng ahensya

Subalit nilinaw ng MMDA na ang no contact apprehension policy ay para sa mga moving violation lamang, hindi kasama rito ang mga adminsitrative violation na tumutukoy sa mga papeles gaya ng prangkisa na kailangang tignang personal ng mga traffic law enforcer.

Sa ngayon ay mayroong mahigit apat na raang cctv and MMDA na nakakalat sa buong Metro manila at balak nila itong dagdagan ng 160 pa.

Nauna ng ipinatupad ng MMDA ang No Contact Policy sa Commonwealth Avenue noong 2011 kung saan lahat ng mga nag o-over speeding ay pinapadalhan ng notice at pinagmumulta.

(Mon Jocson/UNTV News)

Tags: ,