‘No backpack’ policy, ipinatupad sa Davao

by Jeck Deocampo | January 30, 2019 (Wednesday) | 10336

DAVAO, Philippines- Ipinag-utos ni Davao City Mayor Sara Duterte ang “No Backpack Policy” sa mga simbahan sa Davao matapos ang naganap na Jolo bombing.

Sa inilabas na pahayag ng Public Safety and Security Command Center (PSSCC) Head
Ret. Gen. Benito de Leon, ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng
Davao ang “no backpack policy” sa mga simbahan at sa kahit saanmang sambahan sa lungsod.

“The city mayor has instructed us that church-goers should no longer bring backpacks in going inside their places of worship for security reasons,” ani de Leon.

Sa ilalim ng naturang polisiya, pinapayuhan ang mga Dabawenyo na sa halip na magdala ng backpacks ay magdala na lang ng maliliit na bags o handbag o purse upang mas mamonitor ng security forces ang anomang kahina-hinalang aktibidad.

Hinihingi naman ng mga awtoridad ang kooperasyon ng publiko sa mga dagdag na
security check.


Kaugnay ng pagpapaigting ng seguridad, nagdagdag rin ng karagdagang personnel mula sa Davao City Police, Task Force Davao at Davao Police Auxillary para sa inspeksyon sa mga
simbahan.

Tags: , , , , ,