NLEX management, patuloy pa ring nakamonitor sa inaasahang pagdagsa ng mga motorista na pabalik ng Metro Manila

by Radyo La Verdad | November 5, 2018 (Monday) | 2697

Sabado at Linggo ng gabi ng maranasanan ang pagsikip ng trapiko sa Bocaue Toll Plaza south bound area, tumagal ito ng hangang alas dose ng gabi.

Ayon sa NLEX management, marami sa ating mga kababayan at motorista ang bumiyahe na paluwas ng Maynila matapos ang long weekend, kaya naipon ang mga sasakyan.

Nitong Sabado, hindi bababa sa sampung aksidente ang naitala sa NLEX. Ilan sa mga naging dahilan nang aksidente ay mga nasiraan ng sasakyan, na-flat tire, at nagkasagian na sasakyan.

Ngunit ayon sa pamunuan ng NLEX, bagaman balik normal na ang sitwasyon ay inaasahang marami pa ring mga motorista na magsisiuwi ngayong araw na nag-extend ng kanilang bakasyon.

Pangunahing binabatayan ng NLEX management ang Bocaue Toll Plaza dahil dito dadaan ang mga sasakyan na galing ng Norte.

Mula noong Biyernes hanggang ngayon umaga ay bukas ang 22 toll colection point sa Bocaue Toll Plaza.

Bukod pa ang mga idinagdag na toll collection point, apat na sparelane, siyam na expansion, bukod pa ang mahigit labing isa portable booth o fishbone na bubuksan lamang sakaling hindi na makontrol ang mabigat na trapiko.

Ngunit natapos naman kagabi ang programa ng NLEX na “Safe Trip Mo Sagot Ko”, wala nang free towing sa nearest gasoline station, free wifi, free medical services at information desk.

 

( Nestor Torres / UNTV Correspondent )

Tags: , ,