55% pa lamang ang natatapos sa segment 10 ng NLEX Harbor Link Project ng Manila North Luzon Tollways Corporation o MNTC.
Dapat sana ay noong nakaraang taon pa natapos ang proyekto ngunit naantala ito dahil sa mga hindi pa nareresolbang problema.
Ang unang segment ng NLEX Harbor Link na segment 9 ay binuksan na noong March 2015.
Ang segment 10 na pinakahuling bahagi ng proyekto ay may haba na 5.65-kilometers at siyang magkokonekta sa Mc Arthur Highway sa Valenzuela City a t C-3 Caloocan City.
Layon ng proyekto na mapaluwag ang daloy ng mga sasakyan, lalo na sa mga cargo truck na bumibiyahe sa Maynila.
Ang kabuoang NLEX-Harbor Link Project ay nagkakahalaga ng ten point five billion pesos at target matapos sa 2018.
(Nestor Torres / UNTV Correspondent)