Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang magkahiwalay na aksidente sa Maynila at Quezon City kagabi

by Radyo La Verdad | October 8, 2015 (Thursday) | 1936

TMBB
Kabilang ang UNTV News and Rescue Team sa rumesponde sa banggaan ng labing isang sasakyan sa Tandang Sora sa may Commonwealth Avenue bandang alas onse kagabi.

Sangkot sa aksidente ang isang oil tanker, UV express, kotse, at walong motorsiklo

Isa ang nasawi na kinilala na si Joseph Garcia, 31 anyos at sampu naman ang nasugatan

Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang magasawang nasugatan na kinilala na sina Roselo at Quenlor Ronda matapos matumba ang kanilang sinasakyang motorsiklo matapos na mabangga ng oil tanker.

Binigyan ng pangunang lunas ng grupo ang tinamong mga sugat sa tuhod at siko ng mag-asawa at pagkatapos ay dinala sa FEU Hospital

Ang iba namang sugatan ay tinulungan ng MMDA Rescue at DPOS Rescue.

Ayon sa nakasaksi sa pangyayari naka hinto ang mga sasakyan sa traffic light nang biglang masagasaan ng rumaragasang oil tanker ang mga ito

Sumuko naman ang driver ang oil tanker na kinilala na si Roy Uyan

Ayon kay Uyan nawalan ito ng preno ang tanker

Nasa kustodiya na nang QCPD Traffic Sector 5 ang driver ng tanker na nahaharap sa patong-patong na mga kaso

Samantala, nakaupo sa gitna ng kalsada ang motocycle rider na ito ng abutan ng UNTV News and Rescue Team matapos siyang maaksidente sa Nagtahan Northbound Sampaloc Manila pasado ala una kaninang madaling araw.

Nagsagawa ng assessment ang grupo at napag-alamang may deformity sa kaliwang tuhod ang rider na kinilalang si Aristotle Ocampo 37 anyos residente ng Tondo Maynila.

Katuwang ang Alyansa Fire Rescue Volunteer ay agad na nag-apply ng splint ang grupo sa tinamong pinasala ni Ocampo.

Nilapatan din ng paunang lunas ang mga sugat na tinamo ng rider at saka dinala sa Philippine Orthopedic Center

Ayon kay Ocampo, galing siya sa birthday party at pauwi na subalit hindi niya napansin ang gutter sa gitna ng kalsada kaya siya naaksidente. ( Reynante Ponte /UNTV Radio )

Tags: , , ,