Nirebisang IRR ng GCTA Law, nilagdaan na ng DILG at DOJ

by Erika Endraca | September 17, 2019 (Tuesday) | 8216

MANILA, Philippines Naisapinal na ng Joint Review Committee ang bagong Implementing Rules and Regulations (IRR), matapos ang 10-araw na pagbusisi  sa IRR ng Good  Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Nilagdaan na Kahapon (September 16) ang Revised IRR nina Justice Secretary Menardo Guevarra at DILG Secretary Eduardo Año. Nilinaw sa Revised IRR kung sino ang mga hindi dapat makinabang sa GCTA.

Ang mga nakagawa ng heinous crimes na nakasaad sa Republic Act No. 7659 o Death Penalty Law ay hindi makikinabang sa muling pagkalkula ng sentensya sa ilalim ng GCTA.

Kabilang na ang Treason, Qualified Piracy at Bribery, Parricide, Murder, Infanticide, Kidnapping And Serious Illegal Detention, Robbery,Rape, Destructive Arson, Carnapping at ilang Illegal Drug Offenses.

Pangalawa ay Transparency, dapat maisapubliko ang mga pangalan ng mga makikinabang sa GCTA pangunahin na sa mga website ng ahensya. Makakasama na rin ang DOJ at iba pang Civil Society Organization  sa screening and evaluation committee

Tinukoy rin sa bagong IRR kung anong period gagawin ang recomputation para sa pagkakaloob ng GCTA. Dahil dito, sinabi ni Secretary Guevarra na tiyak na hindi makakasama dito sa expanded GCTA ang convicted rapist at murderer na dating Mayor Antonio Sanchez.

Idedetalye ang GCTA Law IRR sa irerebisa namang guidelines o manual ng GCTA. Kung saan binigyan ang DILG-DOJ Review Committee ng 60 days para naman magrekomenda ng pagbabago sa nasabing guidelines.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: ,