Hindi pa man sumasapit ang campaign period, ilang daang milyong piso na ang ginagastos ng mga tumatakbo sa pagpakapangulo para sa mga advertisement nito sa national and provincial tv, cable, print at radio ayon sa ulat na inilabas ng Nielsen Philippines.
Sa Nielsens report mula January 1 to November 30, 2015, nangunguna sa kanilang listahan si Vice President Jejomar Binay na may pinaka malaking nagastos sa mga ads nito, sinundan ni Senator Grace Poe, pumapangatlo si Mar Roxas at pang-apat naman si Davao Mayor Rodrigo Duterte.
Habang sa inilabas naman na AC Nielsen Research Report sa isang pahayagan mula January hanggang December 2015 si Roxas ang pinakamalaking campaign ad spender na umaabot sa 774 million pesos, si Binay naman ay gumastos ng P695 million at si Sen. Grace Poe P694 million habang si Mayor Rodrigo Duterte naman ay umabot sa 129 ang binayaran para sa campaign ads.
Ayon kay Senator Grace Poe, hindi dapat ginamit ang original commercial rates ng bawat tv network, cable, print at radio sa pagkuha sa kabuoang halaga ng kanilang ads.
Paliwanag ng senadora, may mga negosasyon pang isinasagawa bago magkaroon ng final amount sa bawat advertisement na kanilang ipalalabas.
Dagdag pa ni Poe, bagamat hindi maiiwasang gumastos ng isang politiko.
Hindi naman nangangahulugan na nanggagaling sa kanilang sariling bulsa ang lahat ng bayarin dahil may mga tagasuporta silang handang gumugol para sa kanila.
Samantala, tiwala naman si Senator Poe sa patas na pagdedesisyon ng Korte Suprema sa disqualification case na isinampa laban sa kanya.
Aniya, kapag dinis-qualify sya ng Comelec sa pagka-pangulo ito’y pang-aapi para sa tulad nyang foundling o abandoned baby.
Dahil mistulang inalisan na rin ng bansang pilipinas ng karapatan ang mga tulad nyang gustong maglingkod bayan.
(Jenelyn Gaquit/UNTV News)
Tags: Grace Poe, Nielsen Philippines