Nakakita ng probable cause ang Office of the Ombudsman upang pakasuhan si National Irrigation Administration Region 10 Manager Julius Maquiling dahil sa perjury o pagsisinungaling
Lumabas sa imbestigasyon ng Ombudsman na naglagay ng mga maling impormasyon si Maquiling sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.
Nakita rin na pagmamay-ari ni Maquiling ang JS Maquiling Marketing taliwas sa inilagay nito sa kanyang SALN wala siyang anumang negosyo
Sinagot ni Maquiling ang akusasyon at sinabing hindi naman regular ang kanyang negosyo subalit napagalaman ng Ombudsman sa Bureau of Internal Revenue na nasa kalahating milyon ang gross sales nito.
(Mon Jocson / UNTV Correspondent)
Tags: NIA Manager, Ombudsman, perjury