NGCP patuloy ang restoration activities sa mga facility na naapektuhan ng bagyong Egay

by Radyo La Verdad | July 27, 2023 (Thursday) | 1324

METRO MANILA – Patuloy ang ginagawang inspection at assessment ng mga tauhan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa epekto ni bagyong Egay sa mga operasyon at pasilidad nito.

Bukod dito, sabay-sabay na ring isinasagawa ang restoration activities sa mga lugar na maaari nang mapuntahan.

Paglilinaw ng NGCP na ang kanilang ginagawa ay tumutukoy lamang sa katayuan ng transmission network.

Hindi kasama rito ang localized disturbances na tinutugunan ng distribution utility at ang mga linyang eksklusibong naghahatid ng direktang koneksyon sa mga industrial costumers.

Hanggang alas-9 kagabi (July 26), hindi pa rin operational ang 4 na transmission facilities ng NGCP.

Tags: