Newly appointed Chief Justice Lucas Bersamin at General Antonio Tamayo, ginawaran ng Gusi Peace Prize International Award 2018

by Radyo La Verdad | November 30, 2018 (Friday) | 1592

Itinuturing ni Chief Justice Lucas Bersamin na “lucky day” ang araw ng Miyerkules, ika-28 ng Nobyembre. Bukod sa itinalaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bilang bagong chief justice, ginawaran rin siya ng Gusi Peace Prize International Award sa Philippine International Cultural Center (PICC).

Kinikilala ng Gusi Peace Prize Foundation ang isang indibidwal o grupo sa iba’t-ibang panig ng mundo na may natatanging kontribusyon sa kapayapaan at kaunlarang pangdaigdigan sa iba’t-ibang larangan.

Taon-taong nagbibigay-parangal ang award giving body na ito naka-base sa Maynila at itinatag alinsunod sa Presidential Proclamation Nunmber 1476 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Sinasabing katumbas ito ng kilalang Noble Peace Prize na itinatag sa bansang Sweden.

Ngayong taon, labingwalong laureates o indibidwal ang binigyan ng parangal para sa bukod-tanging likhain o pambihirang intelektuwal na taglay.

Bukod kay Chief Justice Bersamin, binigyan din ng naturang parangal si Doctor Brigadier General Antonio Tamayo kaugnay ng mga kontribusyon nito sa mga komunidad.

Si Tamayo ang founder, chairman of the board at CEO ng University of Perpetual Help System DALTA.

Bukod kina CJ Bersamin at Tamayo, itinanghal din ang iba pang laureates mula sa bansang Argentina, Columbia, Costa Rica, Cuba, Ethiopia, Germany, India, United States of America, Portugal, Pakistan, Turkey, South Africa, Malaysia at Poland.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

Tags: , ,