Nanindigan ang ilang Lumad tribe leaders na ang mga miyembro ng New People’s Army ang nasa likod ng mga nangyayaring kaguluhan sa manobo tribe at hindi ang militar.
Ginawa ang pahayag, matapos na lumabas ang balitang isang paramilitary force umano ang nasa likod ng pagpaslang sa executive director ng Alternative Learning Center for Agricultural and Livelihood Development at dalawa pang lider ng Manobo.
Ayon sa ilang human rights group –ang karapatan, ang magahat-bagani group ang nasa likod ng nasabing pamamaslang, at ang militar ang siyang nagsanay at nagbigay ng armas sa paramilitary force.
Ayon naman sa mga Lumad leader, mga livelihood projects ang ibinibigay sa kanila ng military at hindi military operation.
Kaya naman naniniwala ang mga ito na ang NPA ang nasa likod ng mga kaguluhang sa kanilang tribo dahil sa pagnanais ng mga ito na magkaroon ng sariling gobyerno.
Dagdag pa ng mga ito, bukod sa umano’y pamamaslang ay sari-saring karahasan pa ang nararanasan ng mga katutubo mula sa NPA.
Umaasa ang mga pinuno ng lumad na magsasagawa ang gobyerno ng masusing imbestigasyon sa naturang paspalang gayundin sa ibang pang karahasan na dinaranas umano sa kanilang komunidad.
Muli namang umapela sa pamahalaan ang mga naturang lumad leader na sana’y mawakasan na ang ginagawa ng mga npa sa kanilang komunidad dahil nais din naman nilang mamuhay ng normal at payapa.(Joan Nano/UNTV Correspondent)
Tags: lumad, New People’s Army