New Covid-19 variant , hindi makaaapekto sa bisa ng mga dinedevelop na bakuna vs Covid-19 – experts

by Erika Endraca | December 29, 2020 (Tuesday) | 3888

METRO MANILA – Lumabas sa ulat ng mga eksperto na 70% na mas nakakahawa ang bagong variant ng Covid-19 na b117 sa tao at sa hayop. 

Nguni’t hindi umano ibig sabihin na mas mapanganib na ito kaysa sa umiiral na Covid-19 variant sa Pilipinas na DG14G.

Una nang ipinaliwang ng World Health Organization (WHO) na natural lamang sa isang virus na mag- mutate.

Kayay hindi dapat mag-panic ang publiko lalo na’t may mga bakuna namanng dine- develop kontra Covid-19.

Ayon sa mga eksperto, hindi naman makaapekto ang new variant ng Covid-19 sa mga ginagawang bakuna maging sa mga ginamit na sa ibang bansa.

Nakatutok din ang mga ekspertong gumagawa ng bakuna sa mga lumalabas na pag- aaral at ebidenysa tungkol sa Covid-19.

Ito’y upang matiyak na anoman ang variant ng isang virus ay kayang magbigay ng proteksyon ang bakunang ibibigay sa publiko.

“Hindi naman siya kakaiba in such a way na maraming namamatay or mas grabe iyong disease na binibigya niya. inaaral pa lang talaga pero mukhang so far wala pang reason to belive that it’s worse.” ani FDA Director General, Usec. Eric Domingo.

Ayon pa sa mga eksperto, ang mahalagang gawin ngayon ng pamahalaan ay ang pag- kontrol sa pagdmi pa ng nahahawa ng Covid-19. Sa ganitong paraan, mapipigilan ang pag- mutate ng isang virus.

“Ongpoing ang studies and we do not think na hinid magiging effective sa ngayon iyong ginagamit na vaccine but we will have to monitor actively 

lahat ng mga binigyan ng bakuna mino- monitor iyan” ani Ph Representative to the WHO solidarity trial \ President of the Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases Dr Marissa Alejandria.

Naka- antabay din ang WHO sa 52 pinagpipiliang  Covid-19 vaccine na magagamit sa mga bansa kapag naaprubahan na. 

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: ,