METRO MANILA – Tumaas ng 22% ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, mula September 19-25 kumpara sa sinundang Linggo.
Sa datos ng Department of Health, 17,891 na mga bagong kaso ang naitala sa bansa mula September 19 to 25.
Mas mataas ito ng higit sa 3,000 new cases noong September 12-18.
Ang pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay kasunod ng period of decline, o pagbaba ng mga kaso noong mga nakaraang Linggo.
Pagdating naman sa severe at critical cases, mayroong 790 as of September 25.
Samantala, 576 o 22.9% sa 2,514 ICU beds ang okopado. Habang 5,851 o 27.8% sa 21,078 non-ICU COVID-19 beds.
Tags: Covid-19 Cases, Octa Research