Manila, Philippines – Dumami ang bilang ng mga Pilipinong nasisiyahan o kuntento sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Batay sa first quarter 2019 survey ng Social Weather Stations (SWS) survey, tumaas ng 6 na puntos ang net satisfaction rating ni Pangulong Duterte.
Mula sa 60 percent noong December 2018, pumalo ito sa 66 percent.
Napanatili nito ang very good net satisfaction sa unang bahagi ng taon. Ginawa ang survey sa pamamagitan ng panayam sa 1, 440 respondents sa buong bansa noong March 28-31, 2019.
Nangangahulugan itong tumaas ang rating ng pangulo sa lahat ng areas sa bansa, gayundin sa lahat ng classes, kalalakihan at kababaihan at sa lahat ng age groups. Welcome naman sa Malacanang ang latest report.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ramdam ng taumbayan ang paglilingkod at achievements ng administrasyong Duterte. Sinisi naman ng opisyal ang media dahil sa mga negatibong ulat laban sa presidente.
“Ang problema kasi, ang naha-higlight sa media, sa mga reports whether television, radio at newspaper, ang naha-highligt yung problema sa china, yung negative ba, pero yung achievements niya, di nakikita eh ang dami-dami achievements ng presidente ”ani Presidential Spokesperson Salvador Panelo .
Samantala, ayon pa sa opisyal, habang sinisiraan ng mga kritiko at kaaway si pangulong Duterte, lalo pang tumataas ang ratings nito na nagpapakita na di apektado ang publiko sa mga paninira.
Kahit ano rin aniyang negatibong bagay ang ipukol sa presidente, di ito magpapahadlang na tuparin ang pangakong resolbahin ang suliranin ng bansa sa iligal na droga, kriminalidad, katiwalian at rebelyon.
(Rosalie Coz | Untv News)
Tags: President Rodrigo Duterte, Social Weather Station o SWS
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com