Negotiation report para sa Bulacan Int’l Airport, aprubado na ng NEDA

by Jeck Deocampo | December 25, 2018 (Tuesday) | 8488

BULACAN, Philippines – Aprubado na ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang negotiation report para sa pagtatayo ng Bulacan International Airport.

Ang concession agreement (CA) ay sa pagitan ng Department of Transportation (DOTR) at San Miguel Holdings Corporation. Nakapaloob sa Bulacan International Airport Project ang construction, operation at maintenance ng paliparan.

Itatayo ito sa isang 2,500 hectare na lupa sa Bulakan, Bulacan at nagkakahalaga ng mahigit ₱735 million ang proyekto.

Isasapinal na ng DOTR ang concession agreement bago ito isailalim sa final review ng Office of the Solicitor General at Department of Finance.

Pagkatapos ay saka ito ilalabas sa iba pang interesadong bidder para isailalim sa swiss challenge.

Tags: ,