Negosyante na biktima umano ng hulidap, personal na humingi ng tulong kay PNP Chief Dela Rosa

by Radyo La Verdad | July 21, 2016 (Thursday) | 1322

DELA-ROSA
Personal na dumulog kahapon sa tanggapan ni Philippine National Police Chief Ronald “Bato” Dela Rosa ang isang 34-anyos na negosyante matapos umanong mabiktima ng hulidap.

Sa salaysay ng biktima, June 15, 2016 pasado alas-sais ng gabi ng dumating sa kanilang bahay ang tatlong lalaking nagpakilalang taga-Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.

Kinapkapan aniya sya ng mga lalaki at kinuha ang 58 thousand pesos sa kanyang bulsa at 6 thousand pesos naman sa kanyang asawa.

Laking gulat rin daw ng biktima ng makuha sa bag ng kanyang misis ang umano’y ilang pakete ng umano’y shabu.

Nang makuha ang pera at ang sinasabing shabu, agad siyang pinosasan ng mga ito, isinakay sa itim na kia van, saka ito dinala sa station ng Northern Police District sa Caloocan City.

“My immediate action taking was to orders the district director of the Northern Police District kasi identified yung isang opisyal na kasama sa grupo,papadisarmahan ko yung opisyal na yun at saka ipaparestricted in camp”. Pahayag ni Dela Rosa

(UNTV RADIO)

Tags: ,