Negosasyon sa pagbawi ng deployment ban sa Saudi, nagpapatuloy – DMW

by Radyo La Verdad | August 30, 2022 (Tuesday) | 4266

Tuloy ang negosasyon sa pagitan ng pamahalaang Pilipinas at Kingdom of Saudi Arabia ukol sa ipinatupad na deployment ban ng mga Overseas Filipino Workers.

Ayon kay Department of Migrant Workers Assistant Secretary Venecio Legaspi, nakatakdang pumunta sa Saudi Arabia si Secretary Susan Ople upang ituloy ang pag-uusap sa Deployment ng OFWs.

Itinigil pansamantala ng Department of Labor and Employment noong isang taon ang pagproseso sa employment contracts at sinuspinde ang deployment sa Saudi Arabia. Kasunod ito ng ulat na nasa labing isang libong mga manggagawa ang hindi nababayaran ng construction agencies. Bukod pa rito ang isyu ng pang-aabuso sa mga domestic helper.

Tags: , ,