Negatibong epekto ng pagpapalit ng porma ng gobyerno, ibinabala ng isang dating SC Justice

by Radyo La Verdad | February 2, 2018 (Friday) | 8409

Kahapon ipinagpatuloy ng senado ang pagtalakay sa panukalang pagrebisa o pag-amiyenda sa konstitusyon.

Para kay dating Supreme Court Associate Justice Vicente Mendoza, magdudulot ng pagpapahina sa bansa ang federalismo dahil sa pagkakawatak-watak.

Sa halip na federalismo, dapat aniyang palakasin ang decentralization o otonomiya ng mga local government units.

Pero ayon sa dating SC Justice, kung itutuloy ang pag-amiyenda sa konstitusyon, dapat liwanagin na ang pagbabawal sa political dynasty at midnight appointment.

Aniya, hindi rin akma na idaan sa constituent assembly ang charter change. Ito rin ang pananaw ng isa sa mga framer ng 1987 constitution na si Christian Monsod.

Hindi rin aniya kinakailangan ng federalismo kung ang layon lamang ay palakasin ang mga nasa lokal na pamahalaan.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,