Ilang araw bago maramdaman ang epekto ng bagyong Onyok, nakipag-ugnayan na ang NDRRMC sa mga lokal na pamahalaang maaapektuhan ng bagyo.
Binigyang-diin ng Department of The Interior And Local Government na dapat na maagang makapaghanda ang mga mamayan sa paparating na bagyo at kung kinakailangan ay magsagawa na ng pre-emptive evacuation sa mabababang lugar.
Tinaya ng DOST-Project Noah na 237 munisipalidad sa mindanao ang maaaring makaramdam ng panganib ng bagyong onyok tulad ng hangin, pagguho ng lupa, baha at daluyong.
Dahil heavy to intense ang tubig ulan sa mga lugar na dadaanan ng bagyo, hindi lang Northern at Eastern Mindanao section ang dapat maghanda, kundi maging ang North at South ng Hinatuan at Davao Oriental.
Pinakiusapan din ng NDRRMC ang mga small scale mining industry na paalisin muna ang mga minero sa ilalim ng lupa dahil sa posibilidad ng landslide.
(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)
Tags: 237 munisipalidad, Mindanao, NDRRMC