NDRRMC, nakamonitor sa epekto ng Northeast monsoon o Amihan sa Northern at Central Luzon

by Radyo La Verdad | December 19, 2016 (Monday) | 2052

IMAGE_FEB212013_UNTV-News_NDRRMC
Binabantayan na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang posibleng maging epekto ng Northeast monsoon sa Northern at Central Luzon.

Inabisuhan na ng NDRRMC ang lahat ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office na magbigay ng update at magpatupad ng precautionary measures kung kinakailangan.

Binalaan rin ang mga sasakyang pandagat na mag-ingat o kaya ay huwag munang pumalaot dahil sa malalakas na alon.

Nanawagan rin ang ahensya sa publiko na alamin ang magiging lagay ng panahon sa kabila ng pagiging abala sa holiday rush.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: ,