NDRRMC, naka-red alert pa rin dahil sa bagyong Vinta

by Radyo La Verdad | December 21, 2017 (Thursday) | 2453

Nakahanda na ang National Disaster Risk Reduction And Management Council o NDRRMC sa magiging epekto ng bagyong Vinta.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, nagsagawa na sila kagabi ng emergency response preparedness meeting kasama ang representative ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan.

Napagkasunduang dito na maglabas ng force evacuation memorandum. Nanawagan din ang NDRRMC sa mga residente ng mga apektadong lugar na lumikas kung kinakailangan upang makaiwas sa sakuna.

Maging ang mga minero sa bahagi ng Mindanao ay pinalilikas din ng NDRRMC lalo na sa mga landslide prone areas.

Samantala, patuloy na tumataas ang epekto ng bagyong Urduja. Sinabi ni Marasigan na umakyat na sa 45 ang namatay at 46 ang nawawala.

Nanatili pa ring nasa 11,447 families ang nasa 225 evacuation centers habang 11,989 ang nakikituloy sa mga kamag-anak. Nasa 10,779 ang bahay na nasira kung saan 2,762 ang totally damage at 8017 ang partially damage.

Umakyat naman sa mahigit isang bilyong piso ang epekto sa agrikultura at imprastraktura.

Tuloy pa rin ang assessment at pagtulong na isinasagawa ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan sa mga lugar na naapektuhan typhoon Urduja.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,