NDRRMC, nagpadala na ng assessment team sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Vinta

by Radyo La Verdad | December 28, 2017 (Thursday) | 3572

Nagpadala na ng assessment team ang NDRRMC sa mga sinalanta ng bagyong Vinta, ito’y upang makuha ang datos ng mga naapektuhan ng bagyo.

Sa kasalukuyan, nananatili sa 164 ang namatay at 176 ang nawawala sa pananalasa ng bagyong Vinta sa Mindanao.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, nasa mahigit 23 thousand na pamilya pa ang nananatili sa 231 na evacuation centers. Umabot din sa 2663 ang nasirang bahay kung saan 1654 ang totally damage at 1009 ang partially damage.

Nasa mahigit 12 milyong piso na rin ang halaga ng ayudang nabigay ng pamahalaan.

Aminado din ang NDRRMC na hindi katanggap-tanggap ang dami nang bilang ng nasawi dahil busog sa paalala at maagang naghanda ang pamahalaan.

Kaya naman, pabor aniya sila na i-review ang batas upang magkaroon ang departamento na tututok sa mga kalamidad sa bansa.

Kaya naman muling paalala ng NDRRMC sa publiko makinig at sundin ang mga babala ng pamahalaan sa panahon ng kalamidad para makaiwas sa disgrasya.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,