NDRRMC, nagpaalala sa mga residente sa Surigao na manatiling alerto sa aftershocks

by Radyo La Verdad | February 13, 2017 (Monday) | 2086


Umabot na sa isangdaan at walong milyng piso ang halaga ng pinsala sa imprastraktura ng lindol sa Surigao del Norte noong Biyernes na sinundan pa ng ilang malalakas na aftershocks.

Sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, wala pa ring kuryente ang mga lugar ng San Francisco, Malimono, Placer, sison, at Taganaan sa Surigao del Norte.

Nananatili ring suspindido ang klase sa lahat ng antas sa buong Surigao City.

Nagpapatuloy naman ang relief operations ng DSWD sa mga apektadong pamilya sa limamput apat na barangay na tinamaan ng kalamidad.

Panawagan ng ahensya sa mga residente na maging alerto lalo na sa inaasahang aftershocks upang wala ng iba pang masaktan o masawi.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: ,