NDRRMC, nagpaalaalang huwag balewalain ang bagyong Nona

by Radyo La Verdad | December 14, 2015 (Monday) | 1495

IMAGE_FEB212013_UNTV-News_NDRRMC
Tuloy-tuloy na pagmomonitor sa lagay ng bagyo–ito ang payo ng NDRRMC sa mga residente ng mga lugar na dadaanan ng bagyong Nona.

Pitong areas sa bansa kabilang na ang Leyte at Bicol Region ang maapektuhan ng hangin at ulang dulot ng bagyong Nona batay sa weather forecast ng PAGASA at maaari itong magbunga ng pinsala.

Mamayang alas-nuebe ng umaga, pupulunging muli nina NDRRMC Chairperson Defense Secretary Voltaire Gazmin at NDRRMC Executive Director Usec. Alexander Pama upang i-detalye ang preparasyong ginagawa ng bawat ahensya ng pamahalaang sakop ng NDRRMC kaugnay sa bagyo.

Simula pa noong Sabado, nakablue alert status na ang NDRRMC Operations Center at tuloy-tuloy ang monitoring at pagpapadala ng weather advisories sa mga Local Disaster Risk Reduction and Management Council mula provincial hanggang municipal level.

Ayon sa NDRRMC, minomonitor din nito ang paghahanda at aksyong ginagawa ng mga lokal na pamahalaan dahil magiging epektibo ang lamang ang paghahanda kung aktuwal itong maisasagawa.

Ayon kay Usec. Pama, hindi dapat balewalain ang panganib na maaaring idulot ng ulan at hangin ng bagyong Nona.

Ayon naman kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, utos ni Pangulong Benigno Aquino The Third na siguraduhin ng NDRRMC ang coordination sa mga local at provincial DRRMCs.

Pinatitiyak din ng Pangulo na nakaantabay ang government frontliner agencies sa aksyong dapat na magawa lalo na pag may emergency at nakatutok sa development ng lagay ng panahon sa pamamagitan ng PAGASA.

Ayon naman sa Department of Social Welfare and Development, may nakastandby silang budget na 25.034 million pesos para sa Region 4A, 4B, 5, 6, 7 at 8 at patuloy din ang kanilang koordinasyon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: ,