NDRRMC, nagbabala sa publiko kaugnay ng mainit na panahon ngayong long holiday

by Radyo La Verdad | March 22, 2016 (Tuesday) | 1865

NDRRMC
Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa publiko na magiging mainit ang panahon ngayong long holiday.

Ayon kay NDRRMC Executive Director Alexander Pama, walang namamataang bagyo na papasok sa bansa ngunit magiging matindi ang init ng panahon.

Pinapayuhan ng NDRRMC ang publiko na huwag masyadong magbabad sa init ng araw at mag-ingat.

Nakaalerto naman ang Department of Health upang rumesponde sa mga posibleng maging biktima ng heat stroke.

Samantala epektibo ngayong araw ay nasa red alert status na ang Armed Forces of the Philippines habang magtataas sa blue alert status ang NDRRMC bukas.

(Ara Mae Dungo / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,