Naka-blue alert ngayon ang buong National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa Bagyong Henry.
Nakataas rin ang blue alert warning sa mga lugar na apektado ng bagyo, kasama ang NCR, Regions 1, 2, 3, 4A, 4B, 5, 6 at CAR Region. Pero bagaman palabas na ngayong araw ang bagyo, hindi dapat maging kumpyansa ang mga lugar na apektado nito.
Ayon sa NDRRMC, palalakasin pa ng bagyo ang hanging habagat na posibleng magdulot ng pagbaha at landslide. Nagpaalala ang NDRRMC sa lahat ng lokal na pamahalaan na bantayan ang mga lugar na nasasakop ng hazard map.
Inalerto ng NDRRMC ang iba pang lugar na maghanda dahil inaasahang makakaranas ang buong Luzon ng malalakas na pag-ulan hanggang Huwebes. Sa ngayon ay wala pang kailangan ilikas na mga tao at wala ring naitatalang casualty o namatay dahil sa Bagyong Henry.
Madadaanan pa rin lahat ng mga national roads sa buong Luzon, subalit nagpaalala ang NDRRMC lalo na sa mga may planong maglakbay ngayong linggo na kung hindi naman kinakailangan na agaran ay makabubuting ipagpaliban na lamang ang lakad at kung hindi naman ay magkaroon sana ng ibayong pag-iingat upang ligtas na makarating sa patutunguhan.
Ang Bagyong Henry ang ikalawang bagyo na pumasok sa bansa ngayon lamang buwan ng Hulyo.
( Mon Jocson / UNTV Correspondent )
Tags: Bagyong Henry, baha at landslide, NDRRMC
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com