NDRRMC, magtataas ng alerto simula Miyerkules dahil sa long holiday

by Radyo La Verdad | March 22, 2016 (Tuesday) | 2085

IMAGE_FEB212013_UNTV-News_NDRRMC
Itataas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC ang alerto ng operations center nito sa blue alert status simula Miyerkules.

Bunsod ito ng inaasahang pagdagsa ng mga tao sa terminal ng bus, paliparan at pantalan upang umuwi sa probinsya ngayong long weekend.

Sa ilalim ng blue alert status, kinakailangang naka-antabay ang mga personnel ng PAGASA, Department of Social Welfare and Development, Department of Health, gayundin ang Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard at Philippine National Police sa pagresponde.

Nagpaalaala naman ang NDRRMC sa publiko na mag-ingat laban sa heat stroke ganu’n din sa sunog dahil sa mataas na temperatura ngayong dry season.

Samantala, sa March 23 at March 28, lifted ang number coding para sa mga provincial bus.

Mayroon ding road reblocking ang Department of Public Works and Highway sa EDSA southbound Connecticut to Boni at EDSA northbound Madison to Ortigas mula March 24, alas-dos ng madaling araw hanggang March 27, alas-dos ng hapon.

Suspendido rin ang operasyon ng Pasig River ferry sa March 24 hanggang March 25.

Samantala, maaari namang humingi ng tulong at assistance sa NDRRMC kung may emergency sa pamamagitan ng hotline number nito na 911-5061 hanggang 64.

Tags: , ,