NDRRMC, kasalukuyang pinaghahandaan ang paparating na supertyphoon

by monaliza | April 1, 2015 (Wednesday) | 1838

ALEX PAMA

(Update) Nakahanda na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa paparating na bagyo na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility, Huwebes ng madaling araw.

Sa monitoring ng PAGASA, may lakas ang bagyo na 215kph at pagbugso na 250 kph pero posibleng humina ito depende sa magiging temperatura ng dagat. Kung hindi magbabago ang direksyon ng bagyo, maapektuhan nito ang Northern at Central Luzon.

Ayon kay Gener Quitlong, weather forecaster ng PAGASA – DOST, lumakas ang bagyo dahil sa mainit na temperatura sa dagat Pasipiko dulot ng El Niño phenomenon.

Samantala, ipinahayag ni NDRRMC Executive Director Alexander Pama na todo bantay sila ngayon kahit long holiday dahil sa lakas ng bagyo na maaaring magdulot ng malaking pinsala sa bansa.

Marso 27 pa nang magpatawag ng pre-disaster planning si Defense Secretary at NDRRMC Chairperson Voltaire Gazmin.

Layon ng pagpupulong na repasuhin ang mga paghahanda, at koordinasyon ng NDRRMC sa mga ibang ahensya at lokal na pamahalaan.

Tags: , , ,