NDRRMC, idinepensa ang pagtatakda ng shake drill sa September 21

by Radyo La Verdad | September 19, 2017 (Tuesday) | 4269

Itinakda na sa September 21 ang third quarter nationwide simultaneous earthquake drill ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. Kasabay ito ng paggunita sa ika-45 anibersaryo ng deklarasyon ng martial law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at ng planong malawakang kilos-protesta kontra anti-drug war at human rights issues laban sa administrasyong Duterte.

Una nang binatikos ang NDRRMC ng mga militanteng grupo dahil sa umano’y pananadyang isabay ang shake drill sa planong demonstrasyon. Ngunit ayon kay NDRRMC spokesperson Mina Marasigan, ito ang napagkasunduang petsa ng mga lokal na pamahalaan. Binigyang-diin din nito na walang kulay pulitika ang pagtatakda ng shake drill.

Samantala, hindi naman magpapatinag dito ang mga grupong nais magpahayag ng kanilang pagtutol sa ilang umiiral na polisiya ng pamahalaan.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,