MANILA, Philippines – Nakipagpulong noong Miyerkules (July 17) si Health Sec Francisco Duque III sa NDRRMC Health Cluster upang mapag-planuhan ng maigi at humingi ng tulong upang matugunan ang lumulobong kaso ng dengue sa bansa.
Ayon kay Doh Usec Eric Domingo, pati military hospitals ay pinapa standby na kasunod ng deklarasyon ng national dengue alert.
“Ang PNP at ang AFP natin may mga hospitals din naman sila and we have to network with them in case na talagang dumami ang pasyente halimbawa may mga lugar na malayo sa amin tapos sila may hospital maari kaming makipagtulungan para ma- admit din ang mga pasyente sa mga hospitals nila.” ani Doh Spokesperson, Usec Eric Domingo.
Katulong din ng DOH Ang Department Of Education, DSWD at DILG sa pagdating sa mga aksyon sa mga paaralan, pangangailangan ng mga kapus- palad nating kababayan kaugnay ng dengue at ang pagkilos ng lgus upang puksain ang dengue sa kani- kaniyang mga nasasakupang lugar.
“Pagbubukas ng extra ng mga rooms sa mga hospital sa tulong ng red cross halimbawa pagtayo ng extra hospital tents just in case we need them kailangan talaga sa schools maglinis tayo ma- educate natin iyong children at iyong parents kung paano iyong dapat natin gawin to prevent itong dengue at tsaka meron tayon changes sa mga patakaran sa school” ani DOH Spokesperson, Usec Eric Domingo.
Kailangan laging maging alerto aniya ang pamahalaan sa pagtugon sa atensyong medikal ng dengue patients at maagapan ang pagdami pa nito upang mabawasan ang dengue death cases ngayong taon.
Bilang pag-iingat naman sa mga tahanan, itaob ang lahat ng maaaring pag iponan ng stagnant water na maaring pamugaran ng lamok na nagdadala ng dengue virus, Lagyan ng screen ang mga bintana at wag palabasin ang mga anak sa mga lugar na pinamumugaran ng lamok.
“Maganda pa rin talaga naka- pantalon at long sleevs ang mga bata para hindi siya makakagat ng lamok.” ani DOH Spokesperson, Usec Eric Domingo.
Kung may nakikita nang mga sistomas ng dengue, huwag nang patagalin, at magpatingin na agad sa doctor. Kung mayroon pang mga katanungan, makabubuting sumangguni sa mga doktor o kayaý tumwag sa DOH hotline numbers 711-1001 at 711-1002.
(Aiko Miguel | Untv News)