METRO MANILA – Tuloy ang masusing validation ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Odette sa bansa.
Ayon sa NDRRMC nais nilang masiguro na sa bagyo talaga namatay ang mga nai-uulat na nasawi.
Base sa ulat ng NDRRMC, nasa 58 pa lamang ang naitala nilang namatay, 199 ang nasugatan at 18 ang nawawala.
Habang ang Philippine National Police, nakapagtala na ng 375 na nasawi… 500 na nasugatan at 56 nawawala.
Nasa 276,522 na pamilya katumbas ng 997,665 na indibidwal ang inilikas.
Mayroong 3, 803 na nasirang mga bahay… nasa mahigit sa P225-M halaga na ang nasira sa imprastraktura at mahigit 5,000 ektarya na ng agrikultura.
Nagdeklara na rin ng State of Calamity ang ilang lugar sa Caraga dahil sa epekto ng bagyo.
Tiniyak naman ng NDRRMC na makatatanggap ng tulong ang pamilya ng nasawi at nasugatan.
Nasa P900-M ang naka standby na pondo ang pamahalaan na para dito.
“We want to make sure that all this details verified and validated because yung mga pamilya po ng mga naiwan o mismong mga na injured po mismo ay meron pong financial assistance na matatanggap po sa pamahalaan because of the accidents that they have encountered” ani NDRRMC Spokesperson, Mark Timbal.
(Lea Ylagan | UNTV News)