Inaasahang mapapalaya na ang dalawampung National Democratic Front of the Philippine o NDFP Consultant upang makalahok sa usapang pangkapayapaan.
Ito ang tiniyak ni CPP-NPA Founding Chairman Jose Maria Sison.
Sa panayam ng UNTV News, sinabi nito na napagkasunduan ng Government Peace Panel at ng panig ng NDFP na gawin ito bago ang formal peace negotiations sa ikatlong linggo ng Hulyo.
Dagdag pa ni Sison, kasunod nito ay ang pagtatakda ng probisyon ng isasagawang ceasefire kung saan sasaklawin ang buong bansa.
Ito aniya ay inasaahang magiging epektibo oras na mapalaya ang lahat ng political prisoners batay sa itatakdang amnesty proclamation ng magkabilang panig.