Umabot na sa mahigit labing dalawang libo ang mga naaresto na mga drug suspects mula ng ilunsad ang Oplan Double Barrel Reloaded ng Philippine National Police batay sa pinakahuling ulat ngayong araw.
Umabot naman sa isang daan at pitong put isa ang napatay sa mga operasyon kontra iligal na droga.
Nangunguna ang National Capitol Region Police Office o NCRPO sa pinakamaraming naitalang nahuli na umabot sa mahigit tatlong libo.
Sinundan ito ng Police Region Office 4-A at 3.
Pinaka konti naman ang Police Region Office 18 sa Negros Island.
Sa maikling panahon ng pagbabalik-operasyon ng ‘Oplan Tokhang’, ang mga pulis ay nakapangatok na ng mahigit siyam na pung libong bahay kung saan nakapagpasuko ng mahigit sampung libong indibidwal.
Tags: naaaresto, napapatay, Oplan Double Barrel Reloaded, PNP
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com