NCRPO, lilikom ng P1-M pondo bilang ayuda sa gov’t troops at sibilyang apektado ng bakbakan sa Marawi City

by Radyo La Verdad | July 11, 2017 (Tuesday) | 2467


Ibinibenta ngayon ng NCRPO ang mga t-shirt na ito na nagkakahalaga ng 250 ang bawat isa.

Habang ang mga baller id naman na ay mabibili ng sinkwenta pesos kada piraso.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng inilunsad na fund raising program ng NCRPO bilang suporta sa mga kapwa pulis at kasamang militar na nakikipagbakbakan ngayon sa Marawi City.

Ang lahat ng kikitain sa proyekto ay ipadadala sa mindanao, upang makatulong sa mga pulis at sundalo, gayundin sa mga sibilyang apketado ng kaguluhan .

Sa ngayon ay mabibili pa lamang ang t-shirt at boler sa tanggapan ng NCRPO sa Taguig City, pero plano rin nila ibenta ito online upang makabenta ng mas marami.

Bukod sa mga nabanggit na items, nagpalagay rin ang NCRPO sa iba’t-ibang mga police station ng alikansya para sa iba pang mga pulis nagnanais na magpaabot ng kanilang ambag.

(Leslie Longboen / UNTV Correspondent)

Tags: , ,