METRO MANILA – Nais ng Inter Agency Task Force on COVID-19 na isailalim pa rin ang National Capital Region, Rizal at Bulacan sa General Community Quarantine with some restrictions mula July 1-15.
Nakita ng Department Of Health (DOH) na may pagbaba ng kaso ng COVID sa NCR.
“Kung titingnan natin ang ating 2 week growth rate lahat po ng NCR, regions 11,6,8, Caraga, makikita natin consistently yung green arrows ay bumaba po” ani Department Of Health Sec. Francisco Duque III.
Dahilan naman kaya unti unti na ring luluwagan ang capacity ng ilang negosyo.
“Sa indoor sports, courts and venues sa NCR, Rizal at Bulacan po pupwede pong magoperate ang gyms fitness centers at 40% capacity at yung ibang other indoor sports allowed at 50% capacity”ani Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque.
Pero GCQ with heightened restrictions naman ang Laguna at Cavite. As of June 28 ang mga lugar na ito ay nakapagtala ng mataas na bilang ng bagong kaso ng COVID 19.
“At dun sa mga pangunahing lugar na may mga matataas na bilang andiyan po ang Laguna 307, Davao City 300, Cavite 209” ani Department Of Health Sec. Francisco Duque III.
Inirekomenda rin sa pangulo na isailalim pa rin sa Modified Enhanced Community Quarantine ang ilang lugar sa bansa.
Tulad ng Cagayan; Apayao; Bataan; Lucena City; Puerto Princesa; Naga City; Iloilo City; Iloilo; Negros Oriental; Zamboanga Del Sur; Zamboanga Del Norte; Cagayan De Oro City; Davao City; Davao Oriental; Davao Occidental; Davao De Oro; Davao Del Sur; Davao Del Norte; Butuan City; Dinagat Islands; Surigao Del Sur
Regular na GCQ naman sa buong buwan ng Hulyo sa Baguio City, Ifugao, City of Santiago, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Batangas, Quezon, Guimaras, Aklan, Bacolod City, Negros Occidental, Antique, Capiz, Zamboanga Sibugay, City Of Zamboanga, Iligan City, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato, South Cotabato, Agusan Del Norte, Surigao Del Norte, Agusan Del Sur, Cotabato City
Ang natitirang bahagi ng Pilipinas ay isasailalim sa modified GCQ. Hinhintay pa ang pinal na desisyon ng pangulo ukol sa rekomendasyon na ito na quarantine classification na ipatutupad para sa buwan ng Hulyo.
(Nel Maribojoc | UNTV News)